ANIMA SOLA
Bumangga ang isang van
sa likuran ng sinusundang trak.
Basag ang salamin sa unahan.
Nagtipon-tipon ang tingin
ng mga pasahero sa front mirror:
nasugatan ang drayber.
Rumisponde kaagad ang mga miron
at nagkabuhol-buhol ang trapik.
May isang bus na walang laman
ang huminto ng saglit sa pinagyarihan ng aksidente,
naghihidaling sumakay ang mga pasahero.
Hindi na humingi ang kundoktor ng pamasahe.
Labis nila itong ikinatuwa.
Maaaring naawa sila sa atin.
Sabi ng isang manang na ipinagpatuloy
ang kanyang pagrorosaryo.
Makalampas ng isang bayan
pumara ang isang pasahero
subalit tila walang narinig ang drayber
na pinagpatuloy lamang ang kanyang pagsipol.
Nang dumating sila sa katapusan ng biyahe
parang isang punerarya ang terminal.
August 28, 2006
PINAPALIIT TAYO NG KAMATAYAN
Mind over machine—
'yan ang unang turo sa akin
nang mag-aral akong magmaneho
ng isang lumang pagong.
Kanina, gamit ang bagong sasakyan
nasagasaan ko ang isang aso
parehong mabilis ang aming takbo.
Hindi ako nakapreno
at baka sakaling ako pa ang maaksidente
para lang akong nakasagasa
ng isang malaki-laking bato sa kalsada.
MULI, SA SEMINARYO
Marahil dahil sa nagdaang bagyo
kung bakit parang nagliwanag ang seminaryo.
Baka sadyang marami lang talaga ang pinagbago
sa loob ng halos mag-aapat na taon.
Muli akong naupo sa harapan ng rebulto
sa may hardin, sunog ang mga dahon ng agoho.
Pakanluran na ang lipad ng mga pauwing ibon,
pasado ala-singko na ng hapon.
Huwag sana silang abutin ng dilim
sa mga sangang daan.
PINAGPALA
Dumapo ang isang ibon
sa ulo ng isang monghe.
Umipot.
Noon nagsimula na ituring
siyang isang santo.
PAGTAWID
Inisa-isa ng bata
ang dilaw na mga linya sa kalsada.
Dito dapat tumatawid ang tao.
Binibilang ng bata ang mga linya
dahil marunong na siyang bumilang.
Humaharurot ang takbo ng isang sasakyan.
Nasagi ang bata. Wasak ang ulo
at dumaloy ang itim-pulang dugo.
Mahigpit ang tiklop ng mga petalyo
ng mga putot na bulaklak ng hapong iyon.
MAG-INGAT SA MGA SANGGOL
Pinasok ng liwanag
ang mata ng sanggol:
Nandoon ang nanay.
MaaaaaaaMa
MaaaaaaaaaaaaaaaMa
Maaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaama
Nandoon ang tatay.
Paaaaaaaaapa
Paapa
Papa
Sa paningin ng sanggol
pagkain ang mga magulang
na nasa kanyang harapan.
Bumangga ang isang van
sa likuran ng sinusundang trak.
Basag ang salamin sa unahan.
Nagtipon-tipon ang tingin
ng mga pasahero sa front mirror:
nasugatan ang drayber.
Rumisponde kaagad ang mga miron
at nagkabuhol-buhol ang trapik.
May isang bus na walang laman
ang huminto ng saglit sa pinagyarihan ng aksidente,
naghihidaling sumakay ang mga pasahero.
Hindi na humingi ang kundoktor ng pamasahe.
Labis nila itong ikinatuwa.
Maaaring naawa sila sa atin.
Sabi ng isang manang na ipinagpatuloy
ang kanyang pagrorosaryo.
Makalampas ng isang bayan
pumara ang isang pasahero
subalit tila walang narinig ang drayber
na pinagpatuloy lamang ang kanyang pagsipol.
Nang dumating sila sa katapusan ng biyahe
parang isang punerarya ang terminal.
August 28, 2006
PINAPALIIT TAYO NG KAMATAYAN
Mind over machine—
'yan ang unang turo sa akin
nang mag-aral akong magmaneho
ng isang lumang pagong.
Kanina, gamit ang bagong sasakyan
nasagasaan ko ang isang aso
parehong mabilis ang aming takbo.
Hindi ako nakapreno
at baka sakaling ako pa ang maaksidente
para lang akong nakasagasa
ng isang malaki-laking bato sa kalsada.
MULI, SA SEMINARYO
Marahil dahil sa nagdaang bagyo
kung bakit parang nagliwanag ang seminaryo.
Baka sadyang marami lang talaga ang pinagbago
sa loob ng halos mag-aapat na taon.
Muli akong naupo sa harapan ng rebulto
sa may hardin, sunog ang mga dahon ng agoho.
Pakanluran na ang lipad ng mga pauwing ibon,
pasado ala-singko na ng hapon.
Huwag sana silang abutin ng dilim
sa mga sangang daan.
PINAGPALA
Dumapo ang isang ibon
sa ulo ng isang monghe.
Umipot.
Noon nagsimula na ituring
siyang isang santo.
PAGTAWID
Inisa-isa ng bata
ang dilaw na mga linya sa kalsada.
Dito dapat tumatawid ang tao.
Binibilang ng bata ang mga linya
dahil marunong na siyang bumilang.
Humaharurot ang takbo ng isang sasakyan.
Nasagi ang bata. Wasak ang ulo
at dumaloy ang itim-pulang dugo.
Mahigpit ang tiklop ng mga petalyo
ng mga putot na bulaklak ng hapong iyon.
MAG-INGAT SA MGA SANGGOL
Pinasok ng liwanag
ang mata ng sanggol:
Nandoon ang nanay.
MaaaaaaaMa
MaaaaaaaaaaaaaaaMa
Maaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaama
Nandoon ang tatay.
Paaaaaaaaapa
Paapa
Papa
Sa paningin ng sanggol
pagkain ang mga magulang
na nasa kanyang harapan.
-Ilang tula na kasama sa bago kong tinitipon na koleksyon.
No comments:
Post a Comment