Saturday, January 31, 2009

PUMAPEL

SINA DARAGANG MAGAYON, KULAKOG, JUAN OSONG
AT ANG ALAMAT NG YOUTUBE
Kristian Sendon Cordero


Maikli lamang ang sasabihin ko ngayong hapon. Naniniwala ako na ang maikling kuwento o maging ang pelikula man, katulad ng iba pang sining ay isang pagtatangka sa mga maaari. Ang lagi’t laging pagdutong sa mga binubuo at winawasak na naratibo ng ating mga mundo ay patuloy na itinataguyod ng posibilidad sapagkat ito ang puso at kaluluwa ng imahinasyon. At ang mga posibilidad na ito ay di kayang saklawin lamang ng ating mga paningin kung kaya naghahanap tayo ng iba pang mapagsisidlan ng ganitong mga posibilidad. Marahil ito ang dahilan ng ating mga imbensyon sa panahong patuloy tayong naghahanap ng mga saysay sa ating mga salaysay.

Dahil hinahangad ng panayam na ito ang pagbibigay sa inyo ng ideya tungkol sa maaaring ikuwento sa pamamagitan ng pelikula, magbibigay ako ng ilang mga puntong nais kong pagmunihan natin, mga puntong batid kong salat sa mga teoryang pang-akademiko.

Simulan natin sa tanong: Binago ba ng pelikula ang moda at istilo ng ating pagkukuwento? O sadyang naangkop lamang ang pagsibol ng bagong estitika sa pagkukuwento dahil na rin sa imbensyon at lumalagong teknolohiya na dala ng pelikula? Wala akong malinaw na sagot dito, ngunit naniniwala ako na may natatanging relasyon ang pagkukuwento sa paggawa ng pelikula, sa parehong dahilan rin kung bakit may relasyon o koneksyon ang pagbabasa at ang panood ng pelikula. Ang pagsulat sa paggawa at ang pagbasa sa panonood. Laging mayroong dayalekto ang relasyon, may tunggalian.

Naniniwala ako na ang dahilan ng pagpili sa akin bilang taga-pagpanayam para sa hapong ito ay dahil na rin sa aking pagiging manunulat at naglalayon kayong makapagsiwalat ako ng mga bagay o material na maaaring maging binhi ng pagsisimula sa mga maaari nating gawin. Alam kong mas higit na nangangailangan ng tao sa paggawa ng pelikula, ang manunulat ay isang bahagi lamang, na ibang-iba naman sa manunulat ng kuwento kung saan maaari siyang maglakbay ng mag-isa, magsulat ng mag-isa. Ngunit marami man ang tao sa likod ng pinilakang tabing o isang tao ang nasa likod ng mga pahinang ating binabasa, ang mga sining na ito ay isang pa ring pagtatangka upang makiisa.

Noong nakaraang Martes, nagbigay din ako ng panayam tungkol sa pribado at pampublikong espasyo at tinukoy ko bilang halimbawa ang plasa at kalsada, kung paano tayo nabubuhay sa panahon ito ng mga billboards at kinalburong monument ni Rizal. Mahalagang banggitin ko uli na sa paghahanap ng kuwento, naroroon din parati ang panawagan ng pribado at ang pangako ng publiko. Sa paghahanap ng mga pribado at pampublikong espasyo na siyang magiging material o tanggupan ng ating mga kuwento, kinakailangan natin ang memorya ng heyograpiya na nagpapalawak at nagpapalalim sa heyograpiya ng ating memorya. Sa madaling sabi, nangungusap sa atin ang lugar, nagsasalita ang mga espasyo, may kuwento at alaala ang heyograpiya at sa atin pwede natin itong tawaging Iriga, Naga, Legazpi, Albay Viejo, Bagamanoc, o Bikol.

At mula sa mga espasyong ito, maaari tayong gumawa ng mga bagong kartograpiya ng pagkilanlan sa ating mga itinataguyod na sarili. Kung kaya lagi’t lagi kong binabalanse ang halaga ng kasaysayan ang at ang paghinog nito sa ating panahon. Ito marahil ang kulang sa atin, ang memorya ng heyograpiya. Kung kaya mahalagang pakatandaan na kung Bikol ang espasyong ninanais mong panahanan, ang ninanais mong maging sisidlan ng iyong kaluluwa, ay maigamot natin ang ating mga sarili sa mga topograpiya, katubigan at kalawakan ng Bikol na patuloy na pinatitingkad at binubuhay ng mga kuwentong katulad nina Daragang Magayon, Kulakog at Juan Osong at mahalagang elemento nito ay ang tataramon, ang salita kung paano ikinukuwento ang kanilang mga salaysay maging sa panahon ng Youtube. Kung mapapansin ganito nabubuhay sa heyograpiya ng memorya ang ating lugar sa pamamagitan ng mga kuwentong narinig, ginawa natin mula sa kailaliman ng lupa, mga magindara sa ating mga lawa, mga mitong patuloy na nagsasalita sa atin.

May nagsasabing gasgas na ang mga kuwentong ito, ngunit sa mga bagong sibol na tenga, ito’y himig pa rin, ito’y kuwento pa rin na patuloy na nagsisilbing mga mahalagang muhon at koneksyon na rin sa ating henerasyon. Mahalaga at makahulugan na ang muling pagdungaw sa mga mitong ito na binabalikan na sa akademya bilang mga mahahalagang bahagi ng ating diskurso. Makahulugan din na sa pagbasa muli ng ating mga mito ay makita natin ang koneksyon nito sa iba pang rehiyon. Pansinin halimbawa na kung si Sinukuan at Makiling ay mga ada ng mga bundok ng Arayat sa Pampanga at Makiling sa Laguna, ang bulkang Mayon ay isang libingan ni Daragang Magayon na pumapasok na sa sensibilidad natin bilang mga bahagi ng Kasamyan o Kabanwa. Ngunit ang mito ni Daragang Magayon ay hindi lamang ang nag-iisang mito na isinasalaysay. Sa mga tula ni Merlina Bobis, higit niya itong pinatingkad sa kanyang mga berso, ang imahe ng bulkan bilang amasona, bilang mandirigma. Mabubuhay giraray si Daragang Magayon, dai na siya magiging bulkan, dai na siya magagadan.

Ipinakita ni Bobis na ang babae ay hindi lamang saksi ng giyera ni Panganoron at Pagtuga, kundi magpapasya, at pipili ng kanyang mangingibig. Maraming bersyon sa mitong ito na kakikitaan ng unibersal na tema, katulad ng tunggaliang mayaman/mahirap dayo at katutubo/ liwanag/ dilim. Ngunit sa ilang bahagi ng Albay, may mga matatanda na tinatawag itong Ma’yong na ginamit naman na pamagat ng inhinyerong manunulat na si Abdon Balde. Mayong dahil hindi kailangang bigyan ng pangalan, mayong dahil sa panahon bigyan ito ng pangalan ay mawawasak ang ganda nito, sapagkat kailangan lamang nating magmasid, tumingin at mabihag sa angking ganda nito. Alin man ang bersyon an paniwalaan at itaguyod natin, lagi’t laging iuugnay tayo nito sa naratibo ng iba pang lugar, ng iba pang kultura.

At katulad ng ari ni Kulakog, lumalaki at lumalaki ang mga elementong di-kapani-paniwala sa mga kuwento upang patuloy itong lumaki, upang patuloy itong tangkilin ng mga mamamayang pinag-uugnay ng kanilang salaysay. Kung kaya maaaring tingnan na ang higanteng si Kulagog ay ang Bernardo Carpio ng mga Taga-Montalban. Ito ang imahe ng higanteng lalaki na maghahanap ng kanyang asawang si Tilmag na namatay dahil na rin sa pagkahulog nang minsang tumawid ito gamit ang titi ni Kulakog. Maririnig ang mga kuwentong ito sa Minalabac kung saan merong mga deposits ng bingkay sa baryong tinatawag rin na Bingkay.Sa Catanduanes may rock formation na tinatawag na buto ni Kualakog dahil may paniniwalang ginagamit ni Tilmag na tulay ang kanyang titi upang tawirin ang Albay Gulf kung saan kumukuha siya ng apoy mula sa bulkan ng Apoy, ang Mayon. Kung gagawin itong pelikula, hindi yata ito lulusot sa MTRCB dahil macecensor sa tulay pa lang na gagamitin. Ngunit bilang teksto, maaring basahin ito at gawan ng pag-aangkop sa mga naratibong ating binubuo at kinakaharap. Narinig kong ginagamit na patakot si Kulakog sa mga batang babae upang umuwi ito ng maaga sapagkat naghahanap pa rin ito ng kanyang bagong mapapangasawa simula ng mamatay ang kanyang asawang si Tilmag dahil nahulog ito sa dagat/tubig nang aksidente nitong malaglag ang kanyang dalang apoy sa ari ng higanteng asawa. Sa baryo ng Bingkay sa Minalabac, pinaniniwalaan na may yapak si Kulakog at ang bingkay na natipon ay ang mga kinain ng higante nang minsang mahinto ito sa kanilang baryo upang magpahinga. At ang bingkay ay sinasabing mabisang Viagra.

Kabilang sa mga mitong ito na maaaring magbigay sa atin ng mga pantayong pananaw o mga lubid ng ideya, makikita natin ang karakter ni Juan Osong na isang ring popular na kwentong bayan sa atin. Ngunit marami ring ganitong karakter na binuhay ng mga mitolohiya at panitikan na siyang nagbibigay sa atin ng koneksyon sa magkabilaang panahon man o magkabilang mundo. Si Odesyus ng mga Griyego, si Sancho ng Don Quixote, si Pilandok at si Juan Tamad, may mga ginagawa nang pag-aaral sa mga naratibong ito, at mahalagang ang mga taong tatao sa pelikula ay may sapat na kaalaman ditto upang maiwasan ang malawakang importasyon at imitasyon lamang. Na tila bagang lumalabas na ang atin ay puros appropriation o pakikibagay lamang. Sa puntong ito, lumalabas ang pulitika ko nang paghahanap at paghuhukay sa ating arkibo, sa ating mga kamalayan. May paniniwala ako na sa mga kuwento ng pagtatagpo ng dayo at ng katutubo, si Juan Osong ang karakter na kanilang nahanap, siya ang bumida, ang pilosopo, ang baliw, ang Pilosopo Tasyo ng lahat ng panahon, kung saan tinanong ng Kastila ang pangalan ng lugar subalit laging ipinapakita ang di-pagkakaunawaan na para bagang ipinagpapalagay na mangmang ang kanyang kausap dahil sa halip na sagutin kung ano ang pangalan ng lugar ay tinukoy nito ang kanyang bitbit o ang kanyang dala-dala. At mula noon, ito na ang tawag sa nasabing lugar. Ito ang mga alamat na ating maririnig, kung hindi man dahil hindi kayang bigkasin ng dayo ang isang letra kung kaya napapanitili na sa ganitong pangalan nakikilala ang mga heyograpiya, ang mga lugar natin. Maaari kayang naintindihan rin ng katutubo ang tanong ng istranghero ngunit sinadya niyang hindi sabihin ang pangalan ng lugar, Ma’yong. Iniligaw niya ang dayo upang hindi nito ganap na masakop ang mga katutubo. Mayaman ang tekstong ito para magbukas sa atin ng mga kuwento. Iiwanan ko muna itong bukas.

May mga ismo nang tawag sa ganitong pagbasa, lalo’t higit pang nasa akademya ako, ngunit hindi ito ang kumukondisyon sa akin. Bilang manunulat naroon ako sa posisyon nang pag-mamatyag, kan odok na paghiling sa mga bagay-bagay sa sakuyang palibot.

An sining ay laging pagtingin, at hindi lamang ito nakakulong sa ugat n gating mga mata, hindi lamang ito isang prosesong pangkatawan, kundi isang paraan ng isip, ng kaluluwa ng tao. To see is a powerful act. Tingnan ang mga nakakabatong titig ni Medusa, ang ritwal ng pagduklit ng mata ni Oedipus. Ang kuwento at ang pelikula ay nangangailangan ng pagtingin na hindi lamang kinukundisyon ng kasalukuyan kundi may kaya itong igpawan na panahon, na sa mga bundok ay makikita nito ang dalagang nakahiga, ang puyos ng kalikasan, ang puyo ng mundo, na may buhay sa kalawakan at umiinog ito sa harapan ng tao.

Dahil may nabanggit na Alamat ng Youtube sa aking papel, nais ko kayong ibalik sa isang alamat, at ito ang alamat ng pinya, kung saan isinumpa ang isang bata ng kanyang ina na magkaroon ng maraming mata dahil ginamit lamang nito ang kanyang bibig sa paghahanap. Malinaw ang leksyon dito: Hindi nakakakita ang bibig at mata lamang ang kinakailang gamitin. Ispesipikong gamit sa ispesipikong bahagi. Ngunit dahil ito’y isang alamat maaari nating tingnan pa ito sa iba pang anggolo. Ano kaya ang mangyayari kung kinailangan ng bibig at mata ang ginamit, anong magiging prutas o hayop ang lalabas sa ending? Pero hindi yan ang punto ko. Ang pinya na siyang nagging hantungan ni Pina ay simbolismo ng maraming mata, ngunit hindi rin nakakakita sapagkat ang pagtingin ay hindi lamang isang pang-ulong proseso, sa kahilingan ng pagkakaroon ng maraming mata, nawala naman ang iba pang bahagi ng katawan. Ang alamat ng Youtube ay ang karugtong ng alamat ng pinya. Nabubuhay tayo sa panahon na ang dami-dami nating nakikita at maaaring kita pero wala naman tayong nakikita na, sabihin ko pang sa edad na ito, ang nakikita na lamang natin, maging tayong mga nasa arte at kultura ay kung paano kikita ang ating nakita.

(Binasa an papel na ini sa DALAN: First Bikol Film Festival puon Enero 29-31, 2009 na ginibo sa Ateneo de Naga University asin an okasyon hinimo sa paagi kan National Commission for Culture and the Arts asin kan Department of Media Studies, Department of Digital Arts and Animations buda Department of Literature and Languages kan Ateneo de Naga University)

Sunday, January 25, 2009

KORO KAN MGA PULITIKO

Bago matapos si nakaaging taon, nagpasabong na sinda, nagpamati, nangalagkalag. Sinda an mga bagong kurong maawit satuya ngonyan. Ini an mga kalag na mapamati satuya na maabot na an pinakadakulang karnibal sa Filipinas asin ini an eleksyon sa 2010, na pwede pang binbinon o ulangon kan satuyang gobyerno na nagsusunod kan direktiba asin pasabong sa saiyang Diyos asin sa mismong poder na dara kan armas asin kwarta. Alagad dakula an paglaom na mangyayari man nanggad an eleksyon na ini asin dara kan malipot na paros iyo na an awit kan koro kan mga pulitiko, sa lokal man ining lado o sa nasyonal.

Enot na digdi an pagruluwas kan mga patalastas sa satuyang telebisyon asin an diskurso yaon sa parating kaiba sinda ( an mga pulitiko) sa pag-atubang sa kapagtiosan, sa satuyang katikapoan asin sa mga ulang sa buhay kan mga Pinoy. Madadangog na giraray an mga islogan arog kan Laban Pinay ni Pia Cayetano asin Magtulungan tayo ni Mar Roxas. Asin kun hihilingon, an mga imahe kan mga pulitiko yaon parati katakod sa name-recall asin sa paggiromdom sainda sa paagi nin manlain-lain na pasali. Kaibahan man kaini an paggamit nin mga kolor na saindang magiging standarad color nin huli ta garo ngani karawat an nasabing pagpili. Kaya, sa panahon na ini bakong makangalas kun biglang yaman an mga nasa telebisyon, radyo asin peryodiko, sa mga pabor na itatao kan mga nasa media sa mga pulitikong ini. Sa satuya, kada pulitiko igwang koneksyon sa media, pigbabahog an media, pigpapaburak, pigpapagayon an diskurso kan pulitiko.

Kun susuysuyon, an pagluwas kan mga patalastas na ini, sarong pagmukna kan imahe kan pulitiko asin bilang teksto kaipuhan ta ining basahon asin saboton nin huli ta kadaklan satuya, igwa pang epekto nin mahika asin pagkasilaw an telebisyon na iyong yaon sa satuyang imahinasyon. Kun mahihiling, an diskurso ni Manny Villar dai naman nagbago, an kolor orange ginamit niya na, arog man ki Erap asin an diskurso parati yaon sa tios. Kaya kun si Erap ngani para sa Mahirap, si Villar an bagong laki sa hirap. An mismong patalastas ni Villar may mga pasabong na pigpapahiling, an baryong sinematograpiya, an contrast kan naka-tsinelas na para-itik asin an itum niyang balat na sapatos asin an pagpahid sa saiyang T-shirt, an gabos na ini pigpapabasa satuya, mga nota sa saiyang koro na pigkakanta man kan kadaklan satuya. Ini an propaganda ni Villar.

An saro pang nagluluwas na pangaran iyo si Mar Roxas na dating yaon sa saud asin ngonyan yaon naman sa pagpababa kan mga presyo nin bulong sa botika. Kun hihilingon parati siya sa pagpapababa kan mga presyo. Makangalas na an agenda niya salungat sa darakulang kompanya na kapot kan saiyang angkan na yaon sa negosyo nin pagpapabakal. Kun hihilingon man an saiyang political ad, an pagluwas kan mga letra asin tataramon kabaing kan programa ni Korina Sanchez na saiyang ilusyon. Bako nganing harayong isipon na mga parehong tawo an nasa likod kan mga gibong ini. Asin dakulang magiging tabang ni Korina sa saiyang kampanya nin huli ta ini an Filipinas na sa pag-abot kan eleksyon nagiging diskurso kan mga kapobrehan asin kan saindang mga pangangaipuhan. Asin padagos pa madugang an mga awit sa koro, sagkod na mabungog na sana kita asin isipon an gabos na sarong pangum-um o maraoton na pangiturogan.

An mga patalastas kan pulitiko sain man na medyum, mahihilingan kan padagos na pagpahayag kan saindang presensya sa satuya, sinda na nag-aanusyo kan saindang mga kapangganahan sa paagi kan mga darakulang billboards asin ini na an pinakamakusog na porma nin propaganda nin huli ta bihag kita nin saindang mga pag-awit arog kan pag-awit kan Adarna, alagad, naiipotan kita kan mga gamgam na minaawit na bako man, an mitikal na gamgam kundi an mga buwitre na padagos na nakikinabang asin nagpipiyesta sa nalalapang banwaan.

OPEN LETTER TO HARVEY KEH

Dear Mr. Harvey Keh:

I completely understand your will and tenacity for moral recovery especially in the leadership in our country. However, in your desire to present heroes, you miserably failed to present the truth. Instead, you fortified a myth, a fantasy of good governance embellished by all the trimmings of a Disney movie.


Did it not occur to you that Mayor Robredo's 16 years in power manifests how he failed to groom anyone to take his place? Is this good governance? Did it not occur to you that this is and nothing but, the traditional politics the Jesuit Universities have condemned even before the term was invented?



Staying long in power must in all cases be suspicious. Has not Thomas Jefferson said, "whenever a man has cast a longing eye on office, a rottenness begins in his conduct?" History is replete with characters that latched on to power by all means, at all costs. We only need to skim through history to know that staying long in power stagnates the mind and the years breed stubbornness and folly.



Naga City's current administration boasts of ubos kung ubos, a political campaign slogan which roughly means, all or none at all. It boasts that if one votes for Mayor Robredo, one must vote for all HIS councilors. But did it not occur to you that this manifests how pseudo-power is exercised by a handful? Pseudo-power because, in fact, power rests only on the local chief executive, with the local legislators an assembly line of an ordinance-mill.



Pseudo-power because when a local legislator shows the slightest hint of independent thinking, he becomes a frozen delight for having earned the mayor's ire. When a dissenting opinion is expressed louder than a whisper, someone else will be assigned to head the dissenter’s committees or another council will be created. These maneuverings have been accepted as a fact of life by our local legislators.



Naga City is known for the people participation but have you looked closely at the Naga City People's Council? Is it the people's voice? Did it strengthen checks and balances and people participation? Or has the council successfully changed the meaning of "consultation" as mere "information dissemination? " How about the decisions in public hearings? Do decisions become an ordinance even when they are contrary to the original intent of the local administration?



You wrote about Naga City 's website and how it promotes transparency and accountability. But have you read in the website anything about the Naga City Coliseum and the Naga City Sports Complex and how these gigantic white elephants cost local taxpayers millions of pesos in basic services? What justifies this colossal wastage? Only the naïve would not see that at its core is corruption, and nothing but.



Mr. Keh, a display of a simple lifestyle is a dangerous criterion in choosing our heroes. In this age of media consultants, PR men, or by any other name they are called, anyone can be anything. Image is created and re-created as needed. Erap's legendary appeal to the masses remains a standard among politicians; see how they belabor trying to look reachable, lovable by the masses. Even Raul Roco wore floral polo shirts to soften the disciplined intellectual that he truly was.



A simple house, a taxi ride, an absence of obvious bodyguards may be traits of a simple lifestyle, but they delude the masses of what good governance really is. Image is, never was, and never will be, good governance. Even worse, image can successfully hide the fact that there is lack of basic services.



Take the case of Naga City 's drainage system. After a few hours of heavy rains, the roads are flooded. We walk through murky waters to get to our houses. Worse is our sewage system; our river is under serious threat. The city's thoroughfares are now lined with tasteless, gaudy, kitschy lampposts. Yet, between these lampposts and better drainage and sewage systems, we know what the people need. But of course, who gets to see the drainage and sewage systems? While the lampposts, they add color to the streets. Never mind if they actually inconvenience motorists because the two-way streets are narrow and easily congested especially during peak hours. Never mind if instead of beautification, we have destruction of beauty in the city and disrespect for styles in architecture.



Mr. Keh, as you promote good governance among our people, I hope that there would be diligent verification. In your pursuit to show that there are good leaders among us, please do not lower the standards of what is good and what is truly beneficial to the people. Otherwise, our efforts only feed our people's fantasies and deplorably, we continue to wallow in corruption and poverty consumed by a fantasy called good governance.



Very truly yours,

FR. WILMER TRIA

********************
On January 28, 2009, Fr. Tria will talk on Transparency and Local Governance: The Naga City Example, at 4:30 in the afternoon, Arrupe Hall, Ateneo de Naga University. The public is invited to attend.

last december 25




my first time in banaue....

Sunday, January 11, 2009

AN TRAHEDYA KAN GAZA



Sa panahon kan Counterstrike asin iba pang ralaban, pano kita tinatablahan kan mga pangyayari sa kinaban arog kan giyera sa Gaza? Bako kitang istranghero sa mga kariribokan, sa mga pangyayari arog kan ralaban armas nin huli ta igwa man kitang sadiring bersyon kaini sa Mindanao man o sa iba pang parte kan satuyang binibilog na nasyon. An gobyerno na nagsusuporta kan satuyang militar igwa man kan sadiri nindang pakikilaban sa mga pigsasabi tang rebelde. Sa satuyang pagpuon man sa eskwelahan, pigtutukdo man satuya sa kasaysayan an mga pakikilaban kan satuyang mga bayani, puon kan pag-abot kan mga parasakop. Igwa man kitang sadiring bersyon kan rebolusyon, alagad nin huli sa kahaloyan na kaini asin sa pagiging parte na sana kaini kan satuyang kasaysayan, minaabot ini nang arog kan impormasyon na inaako niyato gikan sa telebisyon. Nahiling ta man na an ideya kan nasyon parati nakabasi sa mga kariribokan, rebolusyon, tawo tumang sa kapwa tawo, ideya kontra ideya. Asin ini man an kadaklan pang kawsa kan mga giyera arog kan Gaza. An paghiling kan tawo sa kapwa-tawo, kun ini ‘iba’o ‘kaiwal’. Sabi ngani kan pilosopong si Thomas Hobbes, ‘ An tawo, sarong lobo, sa saro pang tawo.’

An Israel bilang sarong nasyon, igwa nang halawig na kasaysayan bilang sarong banwaan na nagtutubod na sinda an piniling banwaan nin Dios. Bilang banwaan man sinda nagsapo na nin makuring pangyayari arog baga kan Holocaust, na kun hihilingon, marahay na gayo an publisidad asin an kamawotan na ini dai naman mangyari giraray. Kun kaya dakul na mga osipon, rawitdawit, dyornals (arog kan diary ni Anne Frank) asin iba pang babasahon asin pag-adal kan nasabing pangyayari asin an anuman na paghiro kan mga Hudyo parati nakadepende sa kun ano an sinapo ninda. Ini dai ta dapat lingawan. An daan na tipan man kan Bibliya sarong kasuratan nin mga giyera asin ralaban kan banwaan na pinili nin Dios. Kun siring igwang halawig nang istorya an mga Hudyo sa pakikilaban. Kun kaya, hinihiling ko na an pangyayaring ini sa Gaza asin an mga opensibang ginigibo asin ginigibo kan mga Hudyo, saro sanang manipestasyon pa kan nakaaging pangyayari kan Ikaduwang Giyera sa Kinaban, kun sain an mga Hudyo an makuring nagsapo. May pinagaapod kitang Anti-semitism, iyo ini an pagkaungis sa mga Hudyo asin ano man na may koneksyon sainda, siring na igwa kitang mga suba man o patotoo sa mga Intsik, Bombay asin Arabo. Kan aki pa ngani ako, an apod ko sa mga nagpapasakit sa Kristong iprinuprusisyon, mga ‘udiyo’ na pigtatakotan mi, ta garo baga mga nakilhagan, arog kan mga maskara kan Moriones, na naaraman ko nasanang ini mga suldados na Romano asin bako man mga ‘udiyo’.

Sa panahon na an kadaklan satuya mga pulang saksi kan mga pangyayari sa Gaza, paano niyato inaako an mga impormasyon kan mga bilang kan nagadan, an mala-pelikulang pagpapasabog kan mga edipisyo sa makabalyong parte, an mga garo paputok na pag-atake kan Israel? Ngonyan, nagriribok an kinaban sa mga pangapodan na punduhon na an giyera, na garo baga ini sana an pinakaproblema kan gabos. Alagad bako ini an kaso. Kadakul pang Gaza sa kinaban asin sa buhay mismo kan tawo na kaipuhan tang tawan nin atensyon. Asin an giyerang ini, bako nang bago, nagbabago sana kita nin armas, nagbabago sana kita nin kasurog asin kaiwal, nagbabago sana an satuyang mga opinyon asin pangapodan, siring na pigburubalyo ta an mga channels kan satuyang telebisyon.

Friday, January 09, 2009

Su'pay 09

CALL FOR READERS

Su’pay is Bikol for “overflow,” an apt title for a literary forum/poetry reading/artist interaction. What we wish to do is to gather what overflows from each of us out of our experience of life in its ebbs and flows, in its moments of grandeur, in its moments of despair. This is part of our efforts to reach out and be one with the other- nagsusuru’pay na lindok. We overflow with our passion for connections because we realize that we are woven of the same thread, are warp and woof of the same fabric. Let this fabric enfold us now so we can gather and feel only warmth – warmth that will further energize our drive to write another verse, another song, or wrap in metaphor our yearning for love, peace, and justice, or perhaps, simply for a smile from a friend.

This is the idea from which came the now yearly event since 2002 that gathers the literati/culturati of the university and of the region; to provide a venue for the exchange of verses, and exchange of stories; a sharing of melodies; to catch the overflow! The activity is a poetry reading/performance and storytelling, mixed with singing and interaction.

Su’pay 2009 will be extra special because it is meant as a celebration of triumphs won by Bikol writers. To mention only two: this year Kristian Cordero was given the NCCA Literary Prize for poetry and Vic Nierva for the 2008 National Book Award in the poetry category for his book Antisipasyon.

Su’pay 2009 will be held on January 23, 2009 (5:45-9:30 p.m.) at the St. Pius V Hall of Aquinas University (Rawis Campus)

We are inviting Bikol writers to read their poems or short excerpts of long poems and/or fiction, or to present new works-in-progress. Pieces may be in Filipino, English or another language, but preferably in Bikol (any of the Bikol variants) and no longer that two-pages (double-spaced, font size 12 Times New Roman). Please send us the pieces to be read on or before 18th January 2009 by email (with “Su’pay” on the subject line) to: cca@aq.edu.ph or by post to the address below. Please include a short bio or background information about you, your address and occupation, you organizational/work affiliation. We will send back an invitation to Su’pay 2009. Please confirm your participation by 20th January 2009.

A vehicle will be available for participants from Naga/Camarines Sur and those from Sorsogon, but with limited slots only, so we encourage early confirmation.

For enquiries or to book a place, please call Bing Ante (09153737428) or Che Lominario at (052) 435-3096 or email cca@aq.edu.ph/aulib23f@yahoo.com.ph. Alternatively, please write to us; our mailing address:
Su’pay 2009
Center for Culture and the Arts
Aquinas University of Legazpi
Rawis, Legazpi City
4500 Philippines

coming soon