Monday, May 21, 2007

bagong tula (new version)


(Magdalena, Lazarus, Martha)


MARTA
I.

Naalala niya ang huling pagdalaw ng maestro sa Betania—
kung paano kinuha ni Magdalena ang kanyang ‘tinagong pabango
at masuyong pinunasan ang paa ng bisita na parang pusang-tao
na nagpaparamdam ng gutom at matinding pangangailangan.

Labis na nasiyahan ang maestro sa ginawa ng nakakabatang kapatid.
Nakita niya ito. Nagdadabog siyang lumabas at hiningi sa maestro
ang tulong ng nakahandusay na kapatid.

Bakit ka nababahala? Higit na mainam ang ginawa ni Magdalena.
Hindi ninyo ako makakasama sa lahat ng araw.

II.

Kailangan ang isang piyesta sa muling pagkabuhay ng kapatid.
Kaya tumungo siya sa kusina at inihanda ang mga lutuin.
Inilagay niya rin ang mga pabango sa niluluto.

Sa hapag, walang gana nilang pinagsaluhan ang kanyang inihanda
na parang iniiwasang pag-usapan ang tungkol sa kamatayan.


Mayo 21, 2007

No comments: