GANITO DUMARATING ANG GABI
Nakaupo ang matanda sa isang sulok.
Hawak-hawak ang pinadalang retrato
ng kanyang apong sundalo
na nadestino sa Iraq.
Kinakausap niya ang larawan
na parang pinagmamasdan ang buwan.
Sa ganoong kalayong bagay sinasambit niya
ang mga pag-aalala, hinanakit,
at ang pilit niyang inaalala:
dasal para sa mga patay.
Taimtim niyang inaabot
ang hangganan ng maaaring matanaw:
ang higanteng bukid sa pagitan
at ang kalangitan na nagkukulay makopa.
Sa bahaging iyon sa gawing kanluran
marahang lumulubog ang kanyang mata
kasama ang lahat na ipinagkaloob ng liwanag.
Nakaupo ang matanda sa isang sulok.
Hawak-hawak ang pinadalang retrato
ng kanyang apong sundalo
na nadestino sa Iraq.
Kinakausap niya ang larawan
na parang pinagmamasdan ang buwan.
Sa ganoong kalayong bagay sinasambit niya
ang mga pag-aalala, hinanakit,
at ang pilit niyang inaalala:
dasal para sa mga patay.
Taimtim niyang inaabot
ang hangganan ng maaaring matanaw:
ang higanteng bukid sa pagitan
at ang kalangitan na nagkukulay makopa.
Sa bahaging iyon sa gawing kanluran
marahang lumulubog ang kanyang mata
kasama ang lahat na ipinagkaloob ng liwanag.
No comments:
Post a Comment