Saturday, January 14, 2006

Kampanaryo Kan Iriga



Ito ang ilan sa mga bagay na gusto kong gawin ngayong taon. Kumuha ng mga larawang tulad nito. Hindi ko alam kung bakit nakahiligan kong kunan ang mga sanga-sangang walang dahon, at sa tuwing nararamdaman kong bubuhos ang ulan o kaya namay malapit na ang pag-aagaw-dilim. Marahil gusto kong mahuli ang oras at ang panahon na damang-dama ko ang kalungkotan ng mundo at ng aking kaluluwa.

No comments: