Malapit sa dingding ng isang bahay
Malapit sa isang dingding ng isang bahay
na pininturahan na parang isang bato,
nasilayan ko ng maraming pagkakataon ang Diyos.
Ang isang gabing walang tulog na nagpapasakit ng ulo ng iba
ay nagbibigay sa akin ng mga bulaklak
namumukadkad itong taglay ang kanilang kagandahan.
At siya na nawalan ng bait na parang aso
ay muling matatagpuan bilang isang tao
muling ibabalik sa kanyang tirahan.
Hindi ang pag-ibig ang huling silid:
may iba pang kasunod ito,
sa isang walang katapusang daan.
-Yehuda Amichai, Hudyo
SAGRADONG ORAS
Rainier Maria Rilke, Aleman
Ang sinumang nanangis ngayon sa mundo
at nanangis ng walang dahilan sa mundo
ay nanangis sa akin.
Ang sinumang tumatawa ngayon sa mundo
at tumatawa ng walang dahilan sa mundo
ay tumatawa sa akin.
Ang sinumang naglalagalag sa mundo
at naglalagalag ng walang dahilan sa mundo
ay patungo sa akin.
Ang sinumang namamatay sa mundo
at namamatay ng walang dahilan sa mundo
ay nakatingin sa akin.
No comments:
Post a Comment