Wednesday, April 16, 2008
Nagluluyap, bako sana sa Bikol an nangyayaring pag-uswag kan literatura!
Inihahandog ng NBDB Book Club, Linangan sa Imahe, Retorika, at Anyo (LIRA), at ng Ortigas Foundation Library ang "Pangasinan: Kultura at Panulaan," tampok ang Malagilion: sonnets tan villanelles ni Santiago Villafania.
Ang panayam ay gaganapin sa 26 Abril 2008, ika-10 ng umaga, sa Ortigas Foundation Library, 2/F Ortigas Building, Meralco cor. Ortigas Avenues, Pasig.
Tampok bilang mga pangunahing tagapagsalita sina Dr. Crisanta Nelmida-Flores ng Unibersidad ng Pilipinas at Santiago Villafania. Si Dr. Nelmida-Flores ay dalubhasa sa kultura ng Pangasinan at kasalukuyang propesor sa Unibersidad ng Pilipinas sa Diliman. Si Sonny Villafania, ang awtor ng tampok na aklat ang pangunahing tagapagtaguyod ng panitikan at panulaan ng Pangasinan. Ang Maligilion ay ang kanyang ikalawang koleksiyon ng mga tula.
Mga papuri para kay Santiago Villafania at sa Malagilion:
"Sa kanyang pangalawang aklat na Malagilion, nangahas na naman siya (Villafania) na gumimbal sa pamamagitan ng kanyang Sonnets tan Villanelles upang ilibing sa limot ang aking pag-usisa't pag-urirat kung paano na ang panitikang Pangasinan."
- Victor Emmanuel Carmelo Nadera, Jr.
Tagapangulo
Unyon ng mga Manunulat sa Pilipinas
"A treasure to keep by all Pangasinenses as it will serve as a historic memento for our people."
- Jaime P. Lucas
"The publication of Malagilion: Sonnets tan Villanelles by Santiago B. Villafania should be a source of rejoicing for readers of regional literatures. This second book by Pangasinan's leading poet today is impressive in both form and substance. Villafania has created 300 sonnets and 50 villanelles in his own language that attempt to reflect the primacy of native culture and return the poet to the central stage of social life. There is a sense of urgency here, considering that Pangasinan literature is in a lamentable state."
- Cirilo F. Bautista
Libre at bukas sa lahat ang panayam.
Para sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan sa NBDB Secretariat sa 926-8238.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment