Sunday, July 20, 2008
reading...
Sipat Kultura: Tungo sa Mapagpalayang Pagbabasa, Pag-aaral at Pagtuturo ng Panitikan
ni Rolando B. Tolentino
Sipat Kultura: Tungo sa Mapagpalayang Pagbabasa, Pag-aaral at Pagtuturo ng Panitikan ay pag-asinta sa historikal, panlipunan, at modernong tranformasyon ng panitikang Filipino. Mula epiko hanggang postmodernong panulaan at panitikang diaspora, naglalahad ang libro ng mapanipat na kritikal na perspektiba sa pag-unawa ng panitikan at lipunang Filipino.
Binibigyan-ugnay at relasyon ng libro ang tila hindi magkakaugnay na bagay: ang epikong bayani at OCW (overseas contract worker), panitikang oral at urban legend, romantisismo at himagsikan, diaspora at pighati, at iba pa. Makabuluhang karagdagang babasahin ang libro sa anumang textbuk at akdang pampanitikan para komprehensibong maunawaan ang panitikang Filipino tungo sa malaya at mapagpalayang pagbasa, pagtuturo at pananaliksik. (Gikan sa webpage kan ADMU Press)
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment