Tuesday, November 25, 2008

obra



ISANG AWIT

Paano ba ipapakilala ang taong patuloy
na binubuo pa ng alaala—
ng kung ano ang maiiwan at iiwanan?

Sa kanya, ang bawat sandali ay pagpili.
Walang mga pasakalye. Tanging mga detalye
lamang katulad ng kung paano ko ginagawaran
ng tingin ang isang bakanteng upuan
o ang bukas na pintuan ng lumang simbahan.

Lagi’t laging may darating, may magtatangkang
umupo at makikipag-usap sa puso. May papasok
sa simbahan upang takasan marahil ang usok
ng mundo. At may maiiwan sa lahat ng ito.
Ito marahil ang dahilan ng lahat ng ating paghihintay.

Umaawit ngayon ang mga dahon ng pino
at ang hangin ay korong sumisipol
ng isang pamilyar na tono at may naiiwang
himig maging sa katahimikan ng aking pag-iisa.

Kristian S. Cordero

1 comment:

gracy said...

garo bistado ko ini Sir nasa picture na ini...hehe.

love your posts Sir, I'm reading 'em all, just now:)