Tuesday, February 15, 2005

EBA

Hindi siya nasiyahan sa huling
pagniniig nila ng lalaki

pakiwari niya’y may ibang laman
ang kanyang isip:

pagsisisi kaya o paninisi

hindi niya pa rin matiyak
sa kanyang sarili.

Kinaumagahan,
may kung anong biglang kumirot
sa bahaging kaliwa ng kanyang suso

at biglang sumagi sa kanya ng isip
ang dalawang niyang anak na lalaki.

Maliban sa kanila
nagbubuntis ang kanyang isip
ng magkakambal na takot at pag-aalinlangan.

Bago mag-takipsilim
naalala niya ang una niyang panaginip
matapos ang una nilang pagtatalik ng lalaki

muli siya nagbalik sa pinagmulan
sa daigdig ng katiwasayan at kaluwalhatian

ngunit sinasalubong siya ng maraming tanong
at sa panahong lumilingon siya sa dating paraiso
nagiging batong asin ang kanyang puso.

3 comments:

Kristian Cordero said...

iyo, salamat sa pagbisita digdi sa blog ko. para sa bikol!

anak_bikol said...

nilibot ko ang parang-nilakbay ko ang gubat-binaybay ko ang langit subalit di ko mahanap ang lunas sa sandipang pagkabahala -nagtampisaw ako sa sala- nakilala...ang sarili.
umiyak sa kadungan mo ina.


Gratia plena
Maria, gratia plena
Maria, gratia plena
Ave, ave dominus

anak_bikol said...

nakakarelate ako sa mga katagang nasusulat --aray!